Thursday, November 24, 2011

Epilogue...

http://www.youtube.com/watch?v=rj_I4Hc2zMw

Ewan ko kung narinig mo na tong kantang to. Basta ito yung kanta na idini-dedicate ko. O ayan. Masyado na akong maraming nasabi. Ang daldal ko. Hahaha.

P.S.
Dapat sa Christmas ko pa ibibigay sayo yung link, at hindi ako dapat magtatapat sayo sa personal. Ewan ko ba kung bakit. Gusto kitang makita, eh.

P.P.S.
Mag-iingat ka lagi.

Bullets...

  • Pangalan mo ang password ko. (at birthday mo ang password ko sa facebook)
  • Ikaw ang nakalagay sa karamihan ng hash tags ko. (#johnjonnie)
  • Gusto sana kitang makita ng uwian kaso baka magsawa ka naman sa mukha ko. Haha.
  • Medyo mahahaba yung ibang nakalagay dito, ewan ko kung babasahin mo lahat.
  • Nagpapasalamat ako kahapon dahil nakasama kita. Sobra.
  • Dapat di ko tinanggihan yung doughnut. Nanghihinayang ako.
  • Gusto kitang yakapin kahapon. Pinigilan ko lang sarili ko. Outrageous eh.
  • At hindi ka walang kwenta. NAKU KUNG ALAM MO LANG.
  • Tumatayo ang balahibo ko sa kilig.
  • Hindi ko alam kung tatawag pa ba ako sayo ulit. Ayaw ko kasi yung feeling na puro ring lang ang naririnig ko at yung operator lang ang sumasagot sa akin.
  • Kung wala lang akong seminar kahapon, sumali ako ng videoke booth at hihintayin ko ang uwian niyo.
  • Kinilig ako sa sagot mo dun sa: "Kung bibigyan mo ako ng rose, anong kulay?"

Ano, ipapahiya ibubulgar ko pa ba sarili ko?

Di ba tinatanong mo kung may nagbabasa nga ba ng blog ko? Oo, meron. Marami.
Nasa iyo na kung babasahin mo o hindi. Hindi kita pinipilit. :)

Heto yung link ng blog ko.

Friday, October 21, 2011

Lahat ng text mo, naka-store sa inbox ko. As in.

Pero sigurado akong lahat ng text ko, dini-delete mo. *bitter*

Here's the truth. Bumili ako ng Globe na sim ulit para makatext ka. Period. Hindi ako nag-a-unli dahil alam ko na hindi kita makakatext buong araw. Basta, alam ko lang.

Ikaw nga kasi ang dahilan. Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta totoo lahat ng sinasabi ko dito.

Ang talino mo.

Tama ka, Salamat sa Google Maps.

Dumaan ako sa Arayat, kasi yun yung sinabi mo dati na nilalakad mo. Akala mo lang wala akong pakialam sa mga sinasabi mo... FYI. Nakatatak sa isip ko yung mga yun.

Pagdating sa may tindahan sa may kanto, napag-isip ko nang magtanong, syempre... ayaw kong magmarunong at maligaw ng tuluyan. Buti na lang well-known kayo sa Bulusan. Haha.

Hindi ko rin naman inaakalang makikita kita, kasi biglaan lang talaga yung desisyon kong magpunta sa inyo. Una: hindi ko na kasi kaya. Pangalawa: baka magka-amag na yung dapat kong ibigay na cellphone chain. Eh di gora na. Buti na nga lang nakita kita, at nakasama kahit dalawang oras lang pagkatapos ng pitong buwan.

Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya kahapon.

Hindi ka nga lang nagtetext, sumasagot sa tawag. Sigurado ka bang alam mo kung para saan ginagamit ang cellphone?

P.S.
Nagpapasalamat ako kay Lord dahil nakasama kita kahit sandali lang...

P.P.S.
I miss you.

Saturday, October 8, 2011

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pa ba kahit na alam kong wala naman talagang patutunguhan to, umpisa pa lang.

Thursday, October 6, 2011

Untitled.

NALILITO NA AKO SA CHRISTMAS COUNTDOWN. Na-late na yung bilang ko, 78 days na lang daw pero nasa 80 pa lang ako. Ay ewan.

Sana mabasa mo lahat ng inilagay ko rito.

Pwede na akong mamatay pag nakasama na kita ulit.

O Giliw ko (81 days before Chrismas)

Patuloy pa rin akong nag-a-agam agam kung pangit ba talaga ako.

Sana makita na kita.


Tuesday, October 4, 2011

I'm a Bacteria... (81 Days before Christmas)

Yung paa ko gustong pumunta ng Boni. Pero alam kong maghihintay na naman ako sa wala kaya bakit ako pupunta?

Kung hindi ba naman ako isa't kalahating tanga eh.

Feeling ko bacteria ako, virus.

Nung nagsabi ako na gusto kong magkwento. Pinatay mo cellphone mo. (Ewan ko lang.. baka, siguro.. oo.)

loading.....

Naiiyak ako pero hindi lumalabas yung luha. Ewan ko kung bakit.

Ang sarap lang ng feeling na yung taong gusto mong kausap pag may pinagdaraanan ka ay lumalayo at umiiwas sayo.

TURNED DOWN(82 Days before Christmas)

Yung feeling na nandun ka na sa rurok ng kaligayahan... 102% na eh, biglang lumagapak sa 10%.
"Pwede next time na lang tayo mag-meet?"

At bakit? May magagawa ba ako pag sinabi kong hindi okay sa akin? Malamang sabihin kong, "sige, okay lang." Pero sigurado ka ba na okay lang ako? Eh kung umiyak kaya ako sa harap mo?

Ang hirap kasi eh, tuwang-tuwa na ako, as in maligayang maligaya na makikita na kita... tapos udlot na naman? NAKANAMPOWTEK NAMAN OO.

Wala rin akong magagawa kung tatawag ako.

Alam mo yung kahit minsan, kahit minsan lang talaga... gusto kong umiyak tapos sasabihin ko sayo na miss na miss talaga kita... kaso, hindi eh... wala eh... wala ka namang pakialam.

Masyadong emo tong post na ito. Turned down kasi. Napapaisip tuloy ako kung talaga nga bang may balat ako sa pwet o talagang pangit lang talaga ako.

Bukas na sana eh, naudlot pa.

Monday, October 3, 2011

Hindi masukat na kaligayahan (83 days before Christmas)

asdfghjkl;qawetiaedtgdgasdgasdkkjhjl;skdf.

Ma-tyo-choke ako nito.
Ibibigay ko na sayo ngayon tong K-On na keychain.. Ay hindi pa pala. Kakagawa ko pa lang ng appointment.

October 5, Wednesday, 11:00 a.m., Boni Avenue MRT Station

Pinili ko talaga sa Boni para mawala yung malungkot *chos* kong ala-ala run. Excited akong makikita na kita ulit sa wakas. Super excited. Habang ka-text kita sa bus, napapatili ako. Nandun ako sa pinakalikod... at wala akong katabi since gabi na nga.

Yung feeling na tumitili ako kahit na hinihinaan ko yung boses ko. Please, busalan niyo ako. Dahil hindi ako pipigil sa pagtili.

"Punta na din tayo dito sa bahay."

KILL ME NOW. Oo. Sinabi mo to. Kung alam mo lang, parang, ewan.. hindi ma-explain yung nararamdaman ko. Para akong nanalo sa lotto, parang masusuka na ewan dahil sa sobrang excitement.

Hindi na ako makapaghintay sa Miyerkules. Maligalig ako ngayon... kasalanan mong lahat ng ito. Ferrer.

Saturday, October 1, 2011

October 2 (84 days before Christmas)--Valentine Dream

If you'd give me a rose, what color would you give me? Red? or White?

Naku, hindi mo naman ako bibigyan ng rose.. *nag-emo na naman*

Frankly, ang gusto ko sa Valentines ay rose tapos isang love letter. Yun lang. Hindi ko kailangan ng chocolate, o ng stuffed toy.
Sasabihin ko na rin ang isa sa mga pinapangarap kong scene na mangyari sa buhay ko... at siyempre, ikaw yung bida.

Pupunta yung bida sa school nung girl tapos hihintayin niya yung uwian nila... tapos paglabas ng babae, iaabot niya yung rose then hahawakan siya sa kamay tapos ibibigay yung sulat. Then ihahatid ni bida si babae *alam kong imposible to, nag-i-imagine lang ako*
Ito ang Valentine Dream ko. Ikaw ang Valentine Dream ko.
私 の バレンタイン ドリム。

Friday, September 30, 2011

October na. (85 days before Christmas)

Simula na naman ng panibagong buwan... Heto ako, nostalgic pa rin. Inaalala yung mga times na magkasama tayo sa OJT. Ang drama ko, dapat namatay na ako.

Anyway, pinaka-hindi ko malilimutang text conversation natin eh ito:
E: Okay ba ako?
J: Oo naman. You're great. Bakit?
Yung "you're great" na yan yung nagpabilis ng tibok ng puso ko. Yung feeling na: Wow, great ako sa kanya... na-a-appreciate niya ako kahit papaano, kahit na baliw-baliw ako sa office. At unti-unti nga akong nahulog sayo.. ewan ko ba. basta, ewan talaga.

Lalo na nung tinawagan kita at sinabihan kitang pumunta agad sa office, pagkababa ko ng telepono halos di ako mapigilan kasi napapatili talaga ako... for your information, boses mo pa lang namimilipit na ako sa kilig. Paano pa kaya kung sa personal na? Di ba?

Alam kong .000000000001 % ang probability na may gusto ka rin sa akin, at dahan-dahan kong tinatanggap yun. Ika nga, "hopelessly devoted to you" ang drama ko.

Bakit?

Babae kasi ako, at wala akong kayang gawin para patunayan sayo ang nararamdaman ko... bukod sa pag-gawa ng blog na ito.

Sorry na ha.

Wala na kasi akong masabi. Lagi akong nauubusan ng sasabihin pag ikaw na ang kakausapin ko. Nakakabobo. Paano kung di mo magustuhan yung sasabihin ko. Malamang hindi ka mag-re-reply.

Heto ang hirap pag sa text lang kayo nag-uusap.

Mas lalo naman na ayaw kong tumawag.

Alam ko naman na hahayaan mo lang mag-ring nang mag-ring yung cellphone mo.

Nauunawaan ko dahil hindi nga naman ako ganun ka-importante. Kumbaga sa isang entree sa main course, side dish lang ako... parang mashed potato.

Sorry kung boring akong kausap. Wala rin naman akong masabing maganda na ikatutuwa mo.
Gusto ko lang malaman mo na sa bawat reply mo sa text ko, natutuwa talaga ako... at kung alam mo lang, na sa bawat text mo na binabasa ko...hindi ko maiwasan yung impit na pagtili... basta ganun yun. Oo na, kinikilig talaga ako. Inaamin ko sayo.

Sorry dahil nauubusan ako ng sasabihin. Sorry dahil boring ako. Sorry.

Thursday, September 29, 2011

September 29, 2011- 87 Days to go...

before Christmas.

Napadaan ako sa Comic Alley kanina sa may SM Fairview. Naalala ko lang na adik ka nga pala sa K-On. Hindi ko na babanggitin kung magkano, basta. Ang cute. At ipinangako ko sa sarili ko na bibilhan kita nun.
Ewan ko nga lang kung anong mas gusto mo: Headphone o Electric Guitar.

Eh kaso naman, hindi ka nag-re-reply. Wapakels ka nga naman pagdating saken *drama

Alam mo, nagsunog ako sa ibabaw ng kawali kanina, may cookfest kasi. Parang sa mga cooking shows sa TV. Ang galing galing lang. Proud na ako. Sana nakita mo. Kaso ang layo mo eh, nasa Sta. Mesa ka habang nagluluto ako.

Actually gusto kong magpakita sayo, gusto kitang maka-text, gusto kitang tawagan... pero pinipigilan ko ang sarili ko, kasi kung gusto mo talaga akong makausap, ikaw mismo ang magpapasimuno para magkausap tayo.

Wednesday, September 28, 2011

As a starter post, ito nga pala yung view sa Boni Avenue. First time kong bumaba dito. Nakakainis nga kasi bumaba muna ako sa Shaw Boulevard. May slash kasi yung Shaw at Boni (Shaw Boulevard/Boni Avenue=11.00) sa listahan ng route ng MRT kaya akala ko, iisa lang yun. Ka-praning.

Ano ang nagdala sa akin dito? Pag-ibig? Hindi. 101% na kapal ng mukha.

I know na hindi ka darating. Naka-ilang missed calls ako, alam kong hindi lang lima yun. Baka nga sampu pa. O di ba, ang kapal talaga ng mukha ko. Pupunta ako run tapos biglang tatawag at magtetext na: Nandito na ako. Hintayin kita.
*Duhhh. Hindi mo ako girlfriend. Alam ko yun. Sadyang ambisyosa lang talaga ako.

Sorry ha. Hindi ko dapat ginawa to, dapat hindi na ako nagpatuloy. Pero aaminin ko, napaiyak talaga ako sa bus. Dahil yun sa katangahan ko dahil isang oras ako umupo run kahit alam na alam ko na imposible ka talagang pumunta. At isa pa, eto na, hindi na ako mahihiyang aminin... na-mi-miss na talaga kita, pitong buwan na rin halos.

I need to talk to someone, and that someone is you.