- Pangalan mo ang password ko. (at birthday mo ang password ko sa facebook)
- Ikaw ang nakalagay sa karamihan ng hash tags ko. (#johnjonnie)
- Gusto sana kitang makita ng uwian kaso baka magsawa ka naman sa mukha ko. Haha.
- Medyo mahahaba yung ibang nakalagay dito, ewan ko kung babasahin mo lahat.
- Nagpapasalamat ako kahapon dahil nakasama kita. Sobra.
- Dapat di ko tinanggihan yung doughnut. Nanghihinayang ako.
- Gusto kitang yakapin kahapon. Pinigilan ko lang sarili ko. Outrageous eh.
- At hindi ka walang kwenta. NAKU KUNG ALAM MO LANG.
- Tumatayo ang balahibo ko sa kilig.
- Hindi ko alam kung tatawag pa ba ako sayo ulit. Ayaw ko kasi yung feeling na puro ring lang ang naririnig ko at yung operator lang ang sumasagot sa akin.
- Kung wala lang akong seminar kahapon, sumali ako ng videoke booth at hihintayin ko ang uwian niyo.
- Kinilig ako sa sagot mo dun sa: "Kung bibigyan mo ako ng rose, anong kulay?"
Ano, ipapahiya ibubulgar ko pa ba sarili ko?
Di ba tinatanong mo kung may nagbabasa nga ba ng blog ko? Oo, meron. Marami.
Nasa iyo na kung babasahin mo o hindi. Hindi kita pinipilit. :)
Heto yung link ng blog ko.
No comments:
Post a Comment