Friday, September 30, 2011

October na. (85 days before Christmas)

Simula na naman ng panibagong buwan... Heto ako, nostalgic pa rin. Inaalala yung mga times na magkasama tayo sa OJT. Ang drama ko, dapat namatay na ako.

Anyway, pinaka-hindi ko malilimutang text conversation natin eh ito:
E: Okay ba ako?
J: Oo naman. You're great. Bakit?
Yung "you're great" na yan yung nagpabilis ng tibok ng puso ko. Yung feeling na: Wow, great ako sa kanya... na-a-appreciate niya ako kahit papaano, kahit na baliw-baliw ako sa office. At unti-unti nga akong nahulog sayo.. ewan ko ba. basta, ewan talaga.

Lalo na nung tinawagan kita at sinabihan kitang pumunta agad sa office, pagkababa ko ng telepono halos di ako mapigilan kasi napapatili talaga ako... for your information, boses mo pa lang namimilipit na ako sa kilig. Paano pa kaya kung sa personal na? Di ba?

Alam kong .000000000001 % ang probability na may gusto ka rin sa akin, at dahan-dahan kong tinatanggap yun. Ika nga, "hopelessly devoted to you" ang drama ko.

Bakit?

Babae kasi ako, at wala akong kayang gawin para patunayan sayo ang nararamdaman ko... bukod sa pag-gawa ng blog na ito.

Sorry na ha.

Wala na kasi akong masabi. Lagi akong nauubusan ng sasabihin pag ikaw na ang kakausapin ko. Nakakabobo. Paano kung di mo magustuhan yung sasabihin ko. Malamang hindi ka mag-re-reply.

Heto ang hirap pag sa text lang kayo nag-uusap.

Mas lalo naman na ayaw kong tumawag.

Alam ko naman na hahayaan mo lang mag-ring nang mag-ring yung cellphone mo.

Nauunawaan ko dahil hindi nga naman ako ganun ka-importante. Kumbaga sa isang entree sa main course, side dish lang ako... parang mashed potato.

Sorry kung boring akong kausap. Wala rin naman akong masabing maganda na ikatutuwa mo.
Gusto ko lang malaman mo na sa bawat reply mo sa text ko, natutuwa talaga ako... at kung alam mo lang, na sa bawat text mo na binabasa ko...hindi ko maiwasan yung impit na pagtili... basta ganun yun. Oo na, kinikilig talaga ako. Inaamin ko sayo.

Sorry dahil nauubusan ako ng sasabihin. Sorry dahil boring ako. Sorry.

Thursday, September 29, 2011

September 29, 2011- 87 Days to go...

before Christmas.

Napadaan ako sa Comic Alley kanina sa may SM Fairview. Naalala ko lang na adik ka nga pala sa K-On. Hindi ko na babanggitin kung magkano, basta. Ang cute. At ipinangako ko sa sarili ko na bibilhan kita nun.
Ewan ko nga lang kung anong mas gusto mo: Headphone o Electric Guitar.

Eh kaso naman, hindi ka nag-re-reply. Wapakels ka nga naman pagdating saken *drama

Alam mo, nagsunog ako sa ibabaw ng kawali kanina, may cookfest kasi. Parang sa mga cooking shows sa TV. Ang galing galing lang. Proud na ako. Sana nakita mo. Kaso ang layo mo eh, nasa Sta. Mesa ka habang nagluluto ako.

Actually gusto kong magpakita sayo, gusto kitang maka-text, gusto kitang tawagan... pero pinipigilan ko ang sarili ko, kasi kung gusto mo talaga akong makausap, ikaw mismo ang magpapasimuno para magkausap tayo.

Wednesday, September 28, 2011

As a starter post, ito nga pala yung view sa Boni Avenue. First time kong bumaba dito. Nakakainis nga kasi bumaba muna ako sa Shaw Boulevard. May slash kasi yung Shaw at Boni (Shaw Boulevard/Boni Avenue=11.00) sa listahan ng route ng MRT kaya akala ko, iisa lang yun. Ka-praning.

Ano ang nagdala sa akin dito? Pag-ibig? Hindi. 101% na kapal ng mukha.

I know na hindi ka darating. Naka-ilang missed calls ako, alam kong hindi lang lima yun. Baka nga sampu pa. O di ba, ang kapal talaga ng mukha ko. Pupunta ako run tapos biglang tatawag at magtetext na: Nandito na ako. Hintayin kita.
*Duhhh. Hindi mo ako girlfriend. Alam ko yun. Sadyang ambisyosa lang talaga ako.

Sorry ha. Hindi ko dapat ginawa to, dapat hindi na ako nagpatuloy. Pero aaminin ko, napaiyak talaga ako sa bus. Dahil yun sa katangahan ko dahil isang oras ako umupo run kahit alam na alam ko na imposible ka talagang pumunta. At isa pa, eto na, hindi na ako mahihiyang aminin... na-mi-miss na talaga kita, pitong buwan na rin halos.

I need to talk to someone, and that someone is you.